hat•sí•ngan 1: sabay-sabay na pagbahin 2: panyo o anumang gamit na ginagamit na pantakip ng bibig pagbahin.
haute cuisine (owt kwi•zín) : pagluluto na mataas ang uri, lalo na yaong sumusunod sa tradisyonal na pamamaraang Pranses.
há•wa 1: lánit1 2: pag-kalat at pagkapit ng anumang karam-daman mula sa isang tao patungo sa isa pa 3: pagiging sangkot 4: tao na hindi katutubò sa angkan o pamilya 5: gagambá.
Hawaii (ha•wá•i) : estado ng United States na sumasaklaw sa pangkat ng mahigit dalawampung isla sa hilagang Pasipiko
há•wak 1: pagpigil ng kamay sa anuman o anumang nása kamay 2: baywáng 3: katawán2 4: anting-anting laban sa anumang uri ng kapahamakan 5: pagkontrol o ang kinokontrol.