hi•mut•mót 1: paglinis ng himaymay ng lána, seda, at cotton 2: pagkakalas sa hinabing himaymay ng tela.
hi•mu•wâ : pag-insulto sa isang babae sa pamama-gitan ng pagbanggit ng kaniyang ari hal “Kiki mo!” o “Puke mo!”
hi•mú•yat : regalong handog ng laláki sa magiging biye-nang babae dahil sa kaniyang pagba-bantay at pag-aaruga sa kaniyang anak hábang musmos pa lámang.
-hin : hulapi sa mga salitâng-ugat na nagtatapos sa mga patinig na malumay at mabilis, hal masayahin, pagandahin, apihin, susuhin
hin- : varyant ng hing- para sa salitâng-ugat na nagsisimula sa d, l, r, s, t, at z, hal hin + sayang = hinayang, hin + sakit = hinakit, hin + daing = hinaing, hin + tamad = hinamad.
hi•nà 1: kulang sa lakas, hal mahinàng ilaw, mahinàng kata-wan 2: kulang sa tibay, hal mahi-nàng pader, mahinàng loob 3: wa-lang puwersa o bisà, hal mahinàng gamot 4: mabagal, hal mahinàng lakad, mahinàng benta 5: mabagal, hal mahinàng lakad, mahinàng benta
hi•nà 1: pagiging kulang sa lakas hal paghinà ng katawan, paghinà ng liwanag ng ilaw, paghinà ng benta 2: pakiramdam na kulang sa lakas