• hi•naw•náw

    1. 1:
      simula ng pag-uugat ng mga itinanim
    2. 2:
      simula ng pagkakaibigan.
  • Hi•na•yá•na

    1. :
      tawag sa mga tagasunod ng Budhismong Maha-yana.
  • hi•ná•yang

    1. :
      pagsisisi sa hindi paggawâ o hindi paggamit sa isang bagay sa tamang pagkakataon
  • hi•ná•yo

    1. :
      pananamlay o kawalan ng pag-asa.
  • hi•ná•yom

    1. 1:
      pagti-tipon o pangongolekta ng tayom
    2. 2:
      ang pagkukulay ng asul na indigo sa mga himaymay, talì, o lambat.
  • hin•dáng

    1. :
      naiinitan dahil sa síkat ng araw sa daan.
  • hin•da•râ

    1. :
      nakaupô sa sahig nang nakabuka ang mga hita
  • hin•dî

    1. 1:
      sa kilos, patanggi o paba-ligtad
    2. 2:
      sa pasiya, pasalungat
  • Hín•di

    1. :
      wika sa Hilagang India na ibinatay sa Sanskrit at isinusulat sa titik Devanagari.
  • hin•dík

    1. 1:
      tulóy-tulóy at hiráp na paghinga
    2. 2:
      hulíng hininga
  • hin•di•ri•kí

    1. :
      paglalaro sa sanggol hábang karga at pakunwang pagkiliti dito upang tumawa.
  • hin•dó

    1. :
      pagsikwat sa talaba o katulad upang makuha ang lamán.
  • hin•dót

    1. :
      taas-babâng paggalaw ng baywang sa pagtatalik
  • Hín•du

    1. :
      tao na naninirahan sa India.
  • Hinduism (hín•du•í•sim)

    1. :
  • Hin•du•ís•mo

    1. :
      panrelihiyon at panlipunang tradisyon na lumaga-nap sa India, Bangladesh, Sri Lanka, at Nepal; si Brahman ang iti-nuturing na pinakamataas na realidad