-ity (i•tí) 1: pambuo ng pang-ngalan at nangangahulugang kalidad o kalagayan, hal humility, purity 2: isang halimbawa o antas nitó, hal monstrosity, capacity
-ium (um) 1: pambuo ng pang-ngalan at nangangahulugang pangalan ng metalikong element, hal uranium, tantalum 2: bahagi ng kata-wan, hal pericardium, hypogastrium 3: biyolohikong estruktura, hal myalium, prothallium
-ive (iv) : pambuo ng pang-uri at nangangahulugang “may pagkiling” o “may kalikasan,” hal , suggestive, talkative
ivy (áy•vi) 1: palumpong (genus Hedera) na lungti ang dahon at nangungunyapit sa balag, punong-kahoy, pader, at iba pa 2: anumang haláman na gumagapang at nangungunyapit sa anumang bagay
í•wad-í•wad : uri ng ibon (fa-mily Motacillidae) na malimit makíta sa tabi ng tubigan, mahabà ang buntot na gumagalaw nang pababâ at pataas, karaniwang abuhin at itim ang pang-itaas na bahagi ng katawan at dilaw o putî ang pang-ibabâng bahagi ng katawan