IInternational Court of Justice (ín•ter• ná•syo•nál kort of jás•tis) : pangunahing ahensiyang panghuku-man ng United Nations na itinatag noong 1945 upang pagpasiyahan ang mga pagtatalo ng mga bansa
i•ít 1: palapà1 2: pangu-ngutya sa pamamagitan ng pagba-bansag ng masasamâng pangalan 3: pagkakaroon ng galit sa isang tao
i•í•to : isdang-alat (Pa-raplotosus albilabris) na hindi pangkaraniwan dahil may patulis na hugis ng katawan at makapal na labìng kulay putî
i•ka- 1: pambuo ng bílang na panunuran hal ikalawa, ikasampu 2: a pambuo ng pang-abay na nagpapahi-watig ng oras; katulad ng alas-, hal ikatlo ng hapon (3 b 00 nh), ikaisa ng umaga (1 c 00 nu) 3: pambuo ng pandiwa na nagpapahiwatig ng sanhi o dahilan, hal ikamatay, ikaligaya
i•kâ : hindi tuwid na paglakad dahil sa pagod, kirot, pansamantalang pagkapílay, o pamimitig ng mga paa