i•láng 1: pook na malayo sa kabahayan, malungkot, at walang naninirahan 2: párang1; kaparángan 3: paggipit sa kalaban at katalo 4: pagpapakupas ng ginto na may halò, hal sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa maalat na tubig
í•lang-í•lang de-tsí•na : palumpong (Artabotrys hexapetalus) na may gumagapang na sanga, may bulaklak na kayumangging pulá at anim ang talulot, at namumunga
i•láp 1: kalagayan ng isang tao o hayop na nahirati sa pamumuhay nang malayo sa karamihan at hindi sanay na makisalamuha sa marami o sa hindi dating nakikita 2: sulyap na galít 3: daráng1 4: hinalà