illuminati (i•lú•mi•néy•ti, i•lu•mi•ná•ti) : tao na may tanging kaalaman o kakayahan sa pagpapa-liwanag
i•ló 1: pagdurog o pagpiga sa tubó sa pamamagitan ng mákiná upang makuha ang katas nitó 2: pagpapakilos 3: pagdaong nang paurong
í•log : likás na daáng tubig na malakí kaysa sapà, o batis, tabáng man o alat, at umaagos patú-ngo sa dagat
Í•log Á•gus : ilog na duma-daloy mula Lawang Lanao hang-gang Look Iligan at nagsisilbing hanggahang panlalawigan ng Lanao del Sur at Lanao del Norte
Í•log A•ma•zón : ilog sa hilagang timog Amerika, dumadaloy pasilangan mula sa Perubian Andes túngong hilagang Brazil hanggang Karagatang Atlantiko