im•bá•yog 1: mabilis na paggalaw papunta sa kaliwa at kanan 2: pag-iba-iba ng opinyon, paniniwala, kondisyon, at iba pa 3: regular na pagtaas at pagbabâ ng halaga o kantidad
im•ben•si•yón 1: proseso ng paglikha sa pamamagitan ng isip, imahinasyon, kasangkapan, o anumang makabagong pamamara-an 2: produkto ng imbensiyon
im•ben•tár•yo 1: kompletong listahan ng mga kalakal, gamit, pag-aari, at iba pa 2: mga bagay na nakalis-ta
im•bér•so 1: element na kapag isinanib sa isang hatag na element sa isang operasyon ay lumilikha ng element na identidad sa nasabing operasyon 2: baligtad ang posisyon, ayos, o relasyon