im•per•yál 1: may katangian ng isang imperyo o soberanong estado 2: may katangian ng isang emperador o pi-nakamataas na awtoridad
im•pér•ya•lís•mo : patakaran sa pagsakop ng isang bansa o imperyo sa ibang bansa o teritoryo; pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang bansa sa ma-hinà at mahirap na bansa sa pama-magitan ng kalakalan, diplomasya, at katulad
im•pér•yo 1: malawak na pangkat ng mga estado o mga bansa sa ilalim ng isang may pinakamataas na awtoridad 2: kapangyarihang malawak ang nasasakop 3: malakíng or-ganisasyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang tao o pangkat
im•per•yór 1: higit na mababà ang kalidad, posisyon, at iba pa 2: hinggil sa planetang may ikot na higit na malapit sa araw, tulad ng Mercury at Venus
impetigo (ím•pi•táy•go) : nakahahawang sakít sa balát na kahawig ng taghiyawat at karani-wan sa mga batà
im•píl•tras•yón 1: lihim na pagpasok sa organi-sasyon o hanay ng kaaway, karani-wang para sa paniniktik o pagsabo-tahe 2: pagtagas ng likido o gas sa mga bútas o lagusan
ím•pi•ni•dád 1: kalagayan o katangian ng pagiging walang-hanggan 2: anumang walang-hanggan 3: inihatag na kantidad, sunuran, o serye na walang hanggan; ang posibilidad ng pagdami o paglawak