im•po•ten•si•yá 1: kawalan ng lakas o kakayahan upang gawin o isakatuparan ang isang bagay 2: pag-kainutil ng laláki sa pagkikipagkarat
im•po•tén•te 1: wala o ku-lang sa lakas; hindi mabisà 2: walang kakayahan na patigasin ang uten at mag-orgasmo
im•prá•es•truk•tú•ra 1: batayang pundasyon o pangunahing balangkas ng isang sistema, gaya ng komunikasyon, transportasyon, at katulad 2: lingid na sistema o balangkas upang magtaguyod at magsagawâ ng subersibong gawain
im•prég•nas•yón 1: kalagayan ng pagiging buntis 2: kalagayan ng pagiging fertilisado 3: kalagayan ng pagiging tigmak o basâng-basâ
im•pre•sár•yo 1: tao na nagsasaayos o nanga-ngasiwa ng mga pagtatanghal, lalo na ang tagapamahala ng kompanya, opera, konsiyerto, at katulad 2: tagapamahala, direktor, at katulad
impress (im•prés) 1: ipasok nang matindi sa isip o kalooban 2: bigyan ng pagpapahalaga 3: idiin o itatak ang isang bagay sa rabaw ng ibang bagay