in•dá : pinansin o nakaramdam ng hirap, pagod, o insulto; karaniwang nása anyong negatibo at may kasá-mang “di-” (di-inda), kayâ nagiging kabaligtaran ang ibig sabihin
in•dá•ba 1: kumperensiya ng mga katutubòng Aprikano mula sa silangan; kumperensiyang may kasámang mga kasapi ng naturang mga tao 2: problema o pagka-bahala ng isang tao
in•dá•ngan : malaki-laking isdang-alat na kauri ng labahita (family Nasinae) at naiiba dahil sa tíla sungay na bukol sa pagitan ng matá at bibig
in•dá•yog 1: sinukat na daloy ng mga salita at parirala sa berso o prosa 2: a aspekto ng komposisyong pangmusika na hinggil sa asento at habà ng mga nota b partikular na uri ng padron na binu-buo nitó, hal samba, duple 3: pagkilos nang may regular na pagkakasunod-sunod ang malakas at mahinàng elemento 4: panahon ng mga pangyayari o kilos na regular at nauulit 5: ilangláng