• June (jun)

    1. :
  • june bug (jun bag)

    1. :
      malakíng kayumangging beetle at sa Europa at Amerika ay malimit lumilitaw kung magtatapos ang tagsibol o nagsisimula ang tag-araw
  • jungle fever (jáng•gel fí•ver)

    1. :
      matinding uri ng malarya
  • junior (jún•yor)

    1. 1:
      anak na laláking isinunod ang pangalan sa ama
    2. 2:
      mag-aaral na nása ikatlong antas ng mataas na paaralan o kolehiyo
  • junior (jún•yor)

    1. 1:
    2. 2:
      higit na mababà ang katungkulan, ranggo, o katayuan
  • jú•ni•pér

    1. :
      laging-lungting palumpong (genus Juniperus) na matinik ang dahon, at matingkad ang lilang bunga, katutubò sa Hilagang Amerika at tumutubò sa malamig na pook gaya ng Baguio
  • junk (jangk)

    1. 1:
      anumang bagay na wala nang halaga o silbi
    2. 2:
    3. 3:
      narkotikong gamot
    4. 4:
      ginupit na lumang kable o lubid
    5. 5:
      matigas na inasnang karne
    6. 6:
      hugpong ng mga mahimaymay na tissue sa ulo ng butanding at nagtataglay ng mga spermaceti
    7. 7:
      malakíng sasakyang-dagat ng mga Tsino na sapad ang ilalim
  • junket (jáng•ket)

    1. 1:
      paglalakbay at pagliliwaliw ng isang mataas na pinunòng bayan sa gugol ng pamahalaan
    2. 2:
      anumang kahawig na paglalakbay
  • junk food (jángk fud)

    1. :
      pagkain na mababà ang sustansiya at karaniwang mataas ang kalori
  • junkie (ján•ki)

    1. :
  • junk mail (jangk meyl)

    1. :
      impormasyong komersiyal na ipinadadalá sa pamamagitan ng koreo
  • junk shop (jangk syap)

    1. :
      tindahan ng mga lumang kasangkapan o gamít nang kasangkapan
  • Jú•no

    1. 1:
      sa Romano, Héra
    2. 2:
      asawa ni Jupiter, katulad ni Hera at itinuturing ding diyosa ng kasal
  • junta (hún•ta)

    1. :
  • junta de autoridades (hún•ta de áw• to•ri•dá•des)

    1. :
      noong panahon ng Espanyol, lupong tagapayo ng gobernador heneral ukol sa pananalapi at mga alituntunin ng pamahalaan
  • Jú•pi•tér

    1. 1:
      pinakamataas na diyos ng mga Romano
    2. 2:
      ikalima at pinakamalakíng planeta mula sa Araw at bahagi ng sistemang solar
  • Jurassic (ju•rá•sik)

    1. :
      isang yugto na tumutukoy sa panahong Mesozoic na pinaghaharian ng mga dinosawro
  • jú•rat

    1. :
      paghahayag ng kalagayan o pangyayari sa pamamagitan ng apidábit