kas•wál 1: parang walang anuman 2: hindi inaasahan 3: angkop sa pang-araw-araw na gamit, gaya sa kaswál na damit
kas•wár•yo : malakíng ibon (Casuarius casuarius), may palong, matatabâ ang binti, at hindi nakalilipad
ka•tâ 1: marahang pagkulo 2: bigas na malabsa kapag isinaing 3: pinaikling kathâ1 4: pinaikling katakata 5: walang-saysay na pagsasalita 6: ma-samâng pagkakaluto ng bigas
ká•ta•ás-ta•á•san 1: sa awtoridad o ranggo, , pina-kamataas 2: pinakadakila; pinakamahalaga 3: sa parusa, ukol sa parusang kamatayan
ka•ta•bà : isdang-tabáng (Toxotes jaculator) na biluhabâ ang katawan, kulay pilak, at karaniwang 13.5 sm ang habà
ka•ta•ba•án 1: pagiging labis sa normal na tim-bang ng tao, batay sa taas 2: sa punong-kahoy, pagiging hitik sa bunga 3: lusog ng lupa na mainam sa pagtatanim