• kú•li
    png
    1:
    [Kap] aksayá1
    2:
    [ST] paghiling na dagdagan ang isang kasunduan o paghingi ng tawad
  • ku•li•bang•báng
    png | Zoo
    1:
    [Ilk] paruparó
    2:
    [Bik Ilk Seb] maliit hanggang malaki-laking isdang-alat (family Chaetedontidae) na may malapad at manipis na katawan, at may matitingkad na kulay
    3:
    [Bik Ilk Seb] maliit hanggang malaki-laking uri ng isdang-alat (family Pomacanthidae), may 27 species sa Filipinas, malapad at manipis ang katawan, at malimit na katangi-tangi ang mga kulay
  • ku•li•bát
    png | [ Bik ]
  • ku•li•báw
    png | Mus | [ Ayt Mgk ]
  • ku•li•beng•béng
    png | [ Pan ]
  • ku•li•bét
    png | Mus | [ Kal ]
  • ku•líg
    png | Zoo
    :
    biik o anak ng baboy
  • ku•lig•líg
    png
    1:
    [Kap Tag] maliit na kulisap (family Gryllidae) na may matinis na sitsit, naririnig ka-pag madilim o kung dumidilim
    2:
    ararong de-mákiná
  • ku•lí•kug
    png | [ Bon ]
    :
    parihabâng basket na masinsin ang pagkakalá-la, may tíla túbo na magkasalikop sa magkabilâng dulo, at may bunganga sa tuktok upang gamiting sisidlan ng tsu-um
  • ku•lí•lal
    png | Lit Mus | [ Pal ]
    :
    awit ng pag-ibig
  • ku•li•lì
    png
    :
    anumang sunóg na pagkain na dumidikit sa lutuán
  • ku•lí•li
    png | [ Ilk ]
    1:
    lagarì
    2:
    sinaunang pamamaraan ng paggawâ ng apoy
    3:
    mga tao na hindi mapakali
  • ku•li•líng
    png
    1:
    [Kap Tag] maliit na batingaw
    2:
    tunog na nalilikha nitó
    3:
    sa bangka, ang kinakabítan ng gaod
  • ku•lim•bá
    png
    :
    maliit na pagsisinu-ngaling o pagyayabang
  • ku•lim•bát
    png
    :
    ilegal na pagpasok o paglabas ng kalakal o tao
  • ku•lim•bét
    png | Mus | [ Iby ]
    :
    pangkat ng dalawang tambol at isang gong na ginagamit sa ritwal ng panggaga-mot
  • ku•lim•lím
    pnr | [ Kap Tag ]
    :
    malamlam ang liwanag dahil natatakpan ng ulap ang araw
  • ku•lin•dáng
    png
    :
    lubid na nása gu-lóng ng mákináng pantahi, at katulad
  • ku•líng
    png
    1:
    pagbawi ng pangako
    2:
    malakí at walang balahibo sa ulong myna (Sarcops calvus), itim ang balahibo na may mga bahid na pilak at putî at may pink na balát sa paligid ng matá
  • kú•ling
    png | Ntk | [ Ilk ]
    :
    bangkang maliit na ginagamitan ng sagwan