- kú•tong-lu•pàpng | Zoo | [ kúto+ng lupa ]:uri ng kuto na tumitirá sa lupang kinalalagyan ng tapayan
- ku•tóspng1:[ST] ingay na likha ng mga dagâ na nása mga dahon ng nipa2:[Iba Pan Tag] papitík na ka-tok sa tuktok bílang parusa
- kut•sá•bapng | Bat | [ Esp conchabar ]:sapakatan
- kut•sá•rapng | [ Esp cuchara ]1:a pangunahing gamit sa pagsubò ng pagkain na karaniwang kasáma ng tenedor b súkat na mai-lálamán sa kasangkapang ito2:kasangkapang may malapad na me-tal na ginagamit ng kantero sa pagpa-pahid, pagpapalitada, pagpoporma, at pagkikinis ng semento
- kut•sa•rí•tapng | [ Esp cucharita ]1:a maliit na kutsara b súkat na mailalamán sa kasangkapang ito2:yerbang (Alter-nanthera ficoidea) malamán, dilaw, pink, o kulay kahel ang dahon, dilaw ang maliit na putîng bulaklak, at karaniwang matatagpuan o nabubú-hay sa aplaya
- kut•sa•rónpng | [ Esp cucharón ]:mala-kíng kutsara
- kut•sáypng | Bot | [ Tsi kieutsai ]:yerba (Allium odorum) na may lungtiang dahon na tulad ng damo at inihahalò sa pagkain
- kut•sel•ye•rí•yapng | [ Esp cuchillería ]1:kagamitan na binubuo ng kampit, tenedor, at kutsara para sa pagkain o paghahanda ng pagkain2:trabaho o negosyo ng isang mangga-gawà ng kampit, gunting, labaha, at iba pang kagamitang may talim
- kut•sé•ropng | [ Esp cochero ]:tao na nagpapatakbo ng anumang sasak-yang hila ng hayop
- kut•sin•tâpng:kakaníng puto na kulay kayumanggi, pinong-pino, at malag-kit
- kut•sónpng | [ Esp colchón ]:malambot na sapin, karaniwan sa upúan, san-dálan, at higáan
- kut•sú•kut•sópng | Kol:pagdaldal nang walang-kuwenta
- kut•yâpnr | [ ST ]:iginagálang o may hiya, sinasabing “kinukutyaan” ang táo na iginagálang, “nakukutya” ang táo na may hiya, at “nangungutya” ang walang-gálang