ka•bít 1: pagsamáhin ang dalawa o mahigit pang bagay upang magkaroon ng pagkakaugnay ang mga ito, gaya sa pagdidikit ng dalawang piraso ng papel, , paghuhugpong ng dalawang kawil ng tanikala, o pagsasáma ng dalawang pangkat ng tao 2: kaapid 3: taxi o dyip na walang sariling prangkisa
kab•káb 1: malakíng kagát 2: pagngata sa pamamagitan ng mga ngipin 3: palaka (Rana magna) na matabâ at malaki 4: pamay-pay
kab•ka•bá•lan : uri ng malaki-laking labahita (Acanthurus Trioste-gus) na dilaw na lungtian ang kulay at may limang itim na guhit mula itaas pababâ ng katawan
kab•ká•bron : uri ng damo o yerba na isinasahog sa pagkain ng baboy at ginagamit na pantapal sa sugat