ka•bu•téng-pá•yong-á•has : kabute (Lepiota chlorospora) na nakalala-son, putî ang ulo na may kulay tso-kolateng kaliskis, at putîng tangkay na may pabilóg na guhit
ka•bu•tí•hang-u•gá•li 1: ugali, kilos, at pagsa-salita na alinsunod sa mahusay at wastong pakikipagkapuwa-tao 2: pagiging magálang at wasto ang pagkilos sa anumang okasyong panlipunan
ka•bu•wá•nan 1: takdang buwan ng panganganak o pagsisilang 2: takdang buwan ng pagbabayad ng utang, o katulad
ka•bu•yà : halámang (Agave sisalana) pinagkukunan ng hiblang ginagamit sa paggawâ ng pisi, basahan, at iba pa
ka•bú•yaw 1: maliit na punongkahoy ng sitrus (Citrus hystrix), maasim ang bunga, at may katas na pampalasa 2: bunga ng punòng ito