ka•du•ká•do 1: lampas na ang takdang taning, tumutukoy sa pagtupad ng obligas-yon, pagbabayad ng utang, at iba pa 2: lipás na ang bisà o lakas
kad•yós : palumpong (Caja-nus cajan) na tumataas nang 1-2 m, masanga, balahibuhin, dilaw ang bulaklak, at nakakain ang muràng butó
kad•yót 1: pagpisíg ng isang bagay 2: mabilis na bigwas o unday ng saksak 3: paatras-abanteng andar ng itinutulak na karag-karag na sasakyan
káf•tan 1: kasuotang mahabà, may sinturon, at isinusuot ng kalalakíhan sa Turkey at mga kalapit na bansa 2: pam-babaeng damit na maluwang at mahabà