ka•lá•nan 1: manok na may iba’t ibang kulay ang kaliskis ng paa 2: uri ng palay 3: pook na kinalalagyan ng kalan 4: kusina
ka•lan•dák 1: bagay na totoo at alam ng lahat 2: pagpapalaganap ng mga sabi-sabi o lihim ng ibang tao 3: pagmamagalíng1
ka•lang•hu•gà : uri ng gastro-pod mollusk (genus Buccinum) na may paikid-ikid na talukab var kalanhugà
ka•lá•ngit : pagkasusundo ng dalawa na isuko ang kanilang sarili at pairalin kung ano ang makata-rungan
ka•lang•káng 1: dagta ng balát ng punongkahoy 2: magulóng pagkakasalansan ng mga bagay 3: nilagang kamoteng kahoy o anumang lamáng-ugat 4: nilagang kamoteng kahoy o anumang lamáng-ugat