ka•lug•kóg 1: tunog na nalilikha kapag itinutulak ang mga muwebles o nauuga ng hangin ang bintana 2: malakas na kulog 3: halá-man (Syzygium subrotundifolium) na nabubúhay sa dalampasigan o aplaya
ka•lu•gu•hán : maliit na manok na may kaka-unti at nalalaglag na balahibo, ginagamit din para sa batà na wala pa sa tamang pag-iisip
ka•lu•ku•túk : tunog na nalilikha ng inahíng manok na nagpapakain sa mga sisiw, o ng isang tandang hábang gumigiri sa inahín
ka•lú•lay : mga putîng markang naiiwan sa tiyan, binti, o hità ng babae pagkatápos manga-nak o pagkatápos ng unang regla
ka•lú•lot 1: punongkahoy (Artocarpus rubrovenia) na tuma-taas nang 8 m, biluhabâ ang dahon, at maraming butó ang bunga 2: sáhing2 na nakukuha sa antipolo 3: bungangkahoy na nabubulok kapag hinog na
ka•lu•lu•wá 1: ang hindi materyal na aspekto o bahagi ng tao o ibang nilikha 2: ang moralidad, kalikasang pandamdamin, o pag-wari sa kaakuhan ng isang tao 3: ang diwa ng isang bagay 4: sidhing pangkaisipan o pandamdamin lalo na ang naipadadamá sa pamamagi-tan ng likhang sining o pagtatanghal na pansining