ka•man•dág 1: nakalalasong likido na inilalabas ng ahas, alakdan, at iba pang hayop o kulisap, karaniwang naisasalin sa pamamagitan ng kagat o tusok 2: anumang nakasasakít ng kalooban, o nakawawasak ng kabu-tihan
ka•man•dí•is : punongkahoy (Garcinia rubra) na may bungang malamán, bilóg at lapád, at manilaw-nilaw hanggang pulá
ka•má•ngi : palumpong (Ocimum basilicum) na tuwid, bala-hibuhin, aromatikong pink ang korola, at ginagamit na pampalasa sa pagkain
ka•mang•ma•ngán 1: kawalang kakayahang bumasa o sumula t 2: kawalan ng anuman o sapat na edukasyon 3: pagkakamali sa pagsusulat o pananalita na ipinapa-lagay na katangian ng isang taong mangmang
ka•man•sî : punongkahoy (Artocarpus camansi) na tumataas nang 10-15 m, katulad ng rimas, may malakí at tíla katad na dahon, at lungti ang bunga