li•pá : punongkahoy (Laportea moyeniana) na may dahon na biluhaba at mabalahibo ang iba-bâng bahagi ng rabaw kayâ nagdudulot ng katí sa balát
li•pà 1: pagkahilo há-bang naglalakad 2: lupang tíla aspalto na ginagawâng pantambak sa silong ng bahay.
li•pás 1: wala na sa moda o uso, gaya ng damit, patakaran, at iba pa 2: wala nang bisà, gaya ng gamot, preskripsiyon, at iba pa 3: ku-pás 4: laós2.
lí•pas 1: pagdaan ng panahon 2: pagiging wala na sa uso o moda 3: pagkawala ng bisá 4: paghinà ng anumang matindi, gaya ng lindól o gálit
lí•pay 1: uri ng magaspang na palumpong (family Urticaceae) na may mabalahibong tinik 2: ilahas na singkamas 3: varyant ng lapáy.