locus (ló•kus) 1: posisyon, lalo na sa teksto, pormal na artikulo, o aklat 2: kurba na nalilikha ng lahat ng mga púnto, linya, o ra-baw at gumagalaw ayon sa itinak-dang kondisyon ng matematika.
ló•den : maliit na bangang gawâ sa bao ng niyog, may takip, nakabálot sa maluwang na lálang yantok, at sisidlan ng sariwang karne.
lodestar (lówd•is•tár) 1: bi-tuing gumagabay sa direksiyon ng naglalayag 2: prinsipyong gumaga-bay 3: nilalayon; bagay na ibig kamtin.
lo•ga•rít•mo : bílang na nagpapakíta kung ilang ulit da-pat paramihin ang base upang ma-kuha ang isang tanging bílang