lú•bid : talì na yarì sa abaka, baging, at katulad, karaniwang may tatlo o higit pang hiblang pinagpili-pilipit
lu•bi•gán : laro na nilalampasan ng mga manlalarong batà ang kani-kanilang kalaban upang mapunta-han ang pinakamalayòng pook.
lu•bí-lu•bí 1: yerbang (Biophytum sensitivum) walang sanga, maliit ang dilaw na bulaklak na tíla payong, at sumasara ang dahon kapag nakanti o nagalaw 2: punòng palma (Ptychorhapis intermedia) na karaniwang 12 m ang taas at 3 m ang habà ng dahon.
lu•bóg 1: nása ilalim ng tubig 2: bumabà ang araw sa kanluran 3: nawala ang kabantugan 4: sa negosyo, bumagsak o naubos ang puhunan 5: naging malabò, kung tubig.