lá•rang 1: malawak na bukid o parang 2: disiplina o saklaw ng pag-aaral na akademiko; dibisyon ng mga kursong akademiko
la•rá•wan 1: anumang imahen o likha batay sa isang halimbawa 2: imahen ng isang tao, hayop, o anumang bagay na likha ng pagkakaguhit, potograpiya, at iba pa 3: repleksiyon sa salamin
La Revolución Filipina (la re•bo•lus• yón fi•li•pí•na) : pagsusuri ni Apolinario Mabini sa mga sanhi ng pagsiklab at pagbagsak ng rebolusyong Filipino.
lar•ga•bís•ta : teleskopyo na binubuo ng dalawang magkatabíng lenteng itinatapat sa dalawang matá, upang makíta ang anumang nása malayò
lar•gá•do 1: walang takda o hanggáhan ang paggasta 2: mahabà ang talì, gaya ng saranggolang pinalilipad.
lár•ga má•sa : pinaghalòng sukát na dami ng semento, buhangin, graba, at tubig, bukod pa ang inilagay na kabilya upang higit na tumibay.