multiplex (múl•ti•pléks) 1: binubuo ng maraming elemento 2: tumutukoy sa sabay-sabay na trans-misyon ng iba’t ibang mensahe sa iisang tsanel 3: tumutukoy sa sabay-sabay na trans-misyon ng iba’t ibang mensahe sa iisang tsanel
multiplier (múl•ti plá•yer) 1: ang kantidad na nagpapara-mi sa nakahatag na bílang 2: sa elektrisidad, instrumento na gina-gamit para madagdagan ang lakas ng koryente o puwersa
mul•ti•pli•kas•yón : operasyon na sina-sagisag ng a x b, na dapat idagdag ang a sa sarili nitó sang-ayon sa ilang ulit na hinihingi ng b
mul•tó 1: pinaniniwalaang kaluluwa ng isang namatay na tao na bumabalik at nagpapakíta sa daigdig ng mga buháy 2: hu-lagway sa isip ng isang totoong tao, bagay, o pangyayari
mumbo jumbo (mám•bo jám•bo) 1: ritwal na walang katuturan 2: wika o kilos na nakapagpapalito 3: anuman na pinag-uukulan ng walang katuturang pagsamba
mummy (mám•mi) 1: sa sinaunang Egypt, bangkay na em-balsamado at ibinalot sa tela bago inilibing 2: sa Britain, inay