mal•tó•sa : a sugar na hindi napatining, binubuo ng dalawang pinagsámang glucose molecule na likha ng hydrolysis ng starch sa ilalim ng galaw ng mga enzyme sa malt, at iba pa (C12H22 O11H2O) b MALTOSE
ma•lú•ko : punong-kahoy (Pisonia alba) na tumataas nang 10 m, at inaalagaan dahil sa mga dahong medisinal
ma•lu•kóng : ka-sangkapang yarì sa losa na maba-lantok patúngo sa loob, karaniwang pinaglalagyan ng ulam at iba pang putahe
ma•lú•may : pa-raan ng pagbigkas ng salitâ na may lundo sa pantig bago ang huling pantig, hal sábong, amíhan, kilikíli
ma•lu•mì : paraan ng pagbigkas ng salitâ na katulad ng malumay ngunit may impit sa huling patinig, hal samò, kulanì, kutà
ma•lung•gáy : punongkahoy (Moringa oleifera) na tumataas nang 6-8 m, at may maliliit na da-hong nakakain