ma•bú•lo : punongkahoy (Diospyrus philippinensis) na katutubò sa Fili-pinas, maitim ang kahoy, bilóg ang mabangong bunga na kulay pulá, at may pinong balahibo
Macao (ma•káw) 1: teritoryong dáting sakop ng Portugal at matatagpuan sa timog China 2: ang pantalán at kabesera ng naturang pook 3: Makáw
macaroon (má•ka•rún) : keyk o biskuwit na gawâ sa putî ng itlog, asukal, at dinikdik na almond o kinayod na niyog
macau (ma•kó) : lorong (genus Ara) malakí at may maha-bàng buntot na matitingkad ang kulay, karaniwan sa Gitna at Timog America
Maccabee (má•ka•bí) 1: kasapi o tagapagtaguyod ng pa-milyang Hudyo na naghimagsik laban sa haring Seleucid noong 167 BC sa pangunguna ni Hudas Macca-beo ng Hudea 2: apat na aklat ng ka-saysayan at teolohiya ng mga Hudyo
machiavellian (mák•ya•bél•yan) : bansag sa kilos pampolitika na hindi nagsasaalang-alang sa kina-gisnang moralidad