• ma•pág-
    pnl
    1:
    pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng bagay na madalas ga-win, hal mapag-alboroto, mapaghi-malâ
    2:
    pambuo ng pang-uri, nagsa-saad ng pagkakaroon ng hilig upang maganap ang anumang ninanais, hal, mapagmagalíng, mapagmapuri
    3:
    pambuo ng pandiwa, may hulaping -an, nagsasaad ng kakayahang magawâ ang isang aksiyon, hal , mapag-aralan, mapag-ukulan
  • ma•pag-a•ru•gâ
    pnr | [ mapag+arugâ ]
    :
    mahusay o matiyagang mag-aruga
  • ma•pág•bi•gáy
    pnr | [ mapag+bigay ]
    1:
    nagpapakíta ng kabutihang-loob sa ibang tao
    2:
    nagpapakíta ng kahandaan na magbigay ng higit na salapi, pana-hon, at iba pa kaysa kailangan o inaasahan
  • ma•pag-im•bót
    pnr | [ mapag+imbot ]
    :
    may katangian ng imbot
  • ma•pág-im•pók
    pnr | [ mapag+impók ]
    :
    mahilig mag-impok
  • ma•pág•ka•ka•ti•wa•lá•an
    pnr | [ mapag +ka+ka+tiwala+an ]
    :
    maaaring bigyan ng tiwala
  • ma•pág•ka•wang•ga•wâ
    pnr | [ mapag +kawang+gawâ ]
    :
    nagpapakíta ng kawanggawâ
  • ma•pág•kun•wa•rî
    pnr | [ mapag+ kunwari ]
    :
    may ugali na itagò ang totoong damdamin at iniisip
  • ma•pág•ma•la•bís
    pnr | [ mapag+ma+ lábis ]
    :
    lumalábis sa takdang tungku-lin o gawain
  • ma•pág•ma•ta•ás
    pnr | [ mapag+ma+ taas ]
    1:
    may hilig itaas ang sarili kay-sa iba
    2:
    may hilig ipagparangalan o ipagyabang ang sarili, karaniwan kahit hindi karapat-dapat
  • ma•pág•pa•hi•ní•rap
    pnr | [ ST mapag+ h+in+irap ]
    :
    nangungutya ng lahat
  • ma•pág•pa•hi•wá•tig
    pnr | [ mapag+ pa+hiwátig ]
    :
    tigib sa hiwatig
  • ma•pag•pa•kum•ba•bâ
    pnr | [ mapag+ pa+kumbaba ]
  • ma•pag•pa•si•yá
    pnr | [ ma+pag+ pasiyá ]
    :
    matibay at walang alinla-ngan
  • ma•pag•pa•u•man•hín
    pnr | [ mapag+ paumanhin ]
    :
    madalîng magbigay ng paumanhin sa nagawâng kasalanan ng iba
  • ma•pag•pu•mí•lit
    pnr | [ mapag+p+ um+ílit ]
    :
    nagpapatuloy sa ginagawâ sa kabilâ ng paghihirap at mga hadlang
  • ma•pag•sa•man•ta•lá
    pnr | [ ma+pag+ samantala ]
    :
    mapagmalabis sa paggamit ng tanging karapatan, pribilehiyo, kapangyarihan, o pag-titiwala
  • ma•pag•tim•pî
    pnr | [ mapag+timpî ]
    :
    matagal bago magálit
  • ma•pa•ít
    pnr | [ ma+pait ]
    :
    may pait ang lasa
  • má•pa•ka-
    pnl
    :
    varyant ng napaka, hal mapakatamis