ma•síl•ya : pagkit o resin na nakukuha mula sa bulak-lak ng punòng mastik, at karaniwang ginagawâng barnis o pantapal sa mga bútas ng kahoy, bakal, at katulad
más•ka•rá 1: anu-mang pantakip sa matá o buong mukha, upang magbalatkayo, itagò ang sarili, o manakot 2: sa potogra-piya, iskrin na ginagamit upang hindi maisáma ang isang bahagi ng imahen
masking tape (más•king teyp) : malapad na teyp at gamit sa pagdidikit ng malaki’t mabigat na bagay, hal pandikit sa kahong balik-bayan
má•so : kasangkapang pamukpok, malakí ang ulo, at yarì sa bakal o semento, karaniwang ipi-nantitibag ng bato