matrix (méy•triks) 1: mólde1 2: sinapupúnan2 3: batóng may hiyas o labí ng hayop 4: parihabang ayos ng mga element sa hanay at kolum na may isang entidad 5: ang substance sa pagitan ng mga cell na nakasa-lansan ang mga estruktura 6: tíla rehas na hanay ng magkakaugnay na mga element ng circuit
matron (méy•tron) 1: baba-eng may asawa, karaniwang digni-taryo at iginagálang 2: babae na nangangasiwa ng domestikong ga-wain ng paaralan, at iba pa
mat•sé•te : patalim na palapád at mabigat na ginagamit sa Gitnang America at Kanlurang Indies bílang kasangkapan o armas
mat•síng : uri ng mammal (Macaca philippinen-sis philippinensis) na mabalahibo ang katawan at mahabà ang buntot
matte (mat) 1: maruming produkto sa pagtutunaw ng mga sul-phide ore lalo na ng copper at nickel 2: sa sinematograpiya, maskara na pinalalabò ang isang imahen at nagpapalitaw sa ibang imahen kayâ nagbibigay ng pinagsámang epekto
matter (má•ter) 1: pisikal na substance sa pangkalahatan, na naiiba sa isip at espiritu 2: anumang bagay na sumasakop ng espasyo at may mass
má•tu•là•in : may katangian ng tula, malimit hinggil sa maindayog na himig, makulay na gamit ng salitâ, o mahirap una-waing talinghaga