ní•ig 1: paggawa sa isang bagay nang patigil-tigil 2: pagkakasakít, karaniwang pagsakít ng tiyan dahil sa kinain
ni•ko•tí•na : alkaloyd (C10H14N2) na walang kulay, nalulusaw sa tubig, at lubhang nakalalason, karaniwang nakukuha sa tabako
ni•lá : panghalip panaong maramihan, ikatlong panauhan, nása kaukulang paari, sumusunod sa pangngalan, at kumakatawan sa ngalan ng mga táong pinag-uusapan na siláng nag-aari, kinauukulan ng bagay, gawain, pangyayaring binabanggit
ni•là : punong-kahoy (Scyphiphora hydrophyllacea) na may malapad at makintab na dahon at mapagkukunan ng bughaw na tinà
ni•la•la•mán 1: anumang bagay na nakapaloob sa isang bagay 2: sa aklat at katulad, ang listahan ng mga kabanata o akda na nakapaloob dito