• odometer (o•dó•mi•tér)

    1. :
      instrumentong pansúkat ng layò o nagtatalâ ng kabuuang natakbong layò ng isang sasakyan
  • O•do•ná•ta

    1. :
      order ng mga kulisap na gaya ng mga tutubi, may mahabà at payat na katawan, at may malinaw na dalawang pares na pak-pak
  • o•dón•to-

    1. :
      pambuo ng pang-ngalan o pang-uri na nangangahulu-gang ngipin
  • odontoglossum (o•dón•to•gló•sum)

    1. :
      dapò (genus Odonto-glossum) na matatagpuan sa mabun-dok na rehiyon ng Gitna at Timog America
  • odontoid (o•dón•toyd)

    1. :
      tíla ngipin
  • Odysseus (o•dís•yus)

    1. :
      hari ng Ithaca at kinikilálang pinaka-matalas at pinakamatalinong pinunò sa Digmaang Troya
  • Odyssey (ó•di•sí)

    1. 1:
      tulang epiko ng Gresya, inilalarawan ang karanasan ni Odysseus sa kani-yang sampung taon na pagsusumi-kap na makauwi sa Ithaca matapos ang Digmaang Troya
    2. 2:
      sa maliit na titik, mapangahas na pagla-lagalag o paglalakbay
  • Oedipus (í•di•pús)

    1. :
      anak nina Jocasta at Laius na hari ng The-bes; hinulaan sa kaniyang kapanga-nakan na mapapatay ang sariling amá at pakakasalan ang sariling ina, at da-hil natupad ito, dinukot ang sariling mga matá
  • Oedipus complex (í•di•pús kóm•pleks)

    1. 1:
      sa psycho-analysis, hindi malay na pagnanasà ng anak sa kaniyang magulang na may kasariang naiiba sa kaniya
    2. 2:
      pag-nanasàng seksuwal ng batàng laláki sa kaniyang ina
  • oenology (i•nó•lo•dyí)

    1. :
      pag-aaral ng alak
  • Oenone (í•no•ní)

    1. :
      nimpa ng Bundok Ida at mangingibig ni Pa-ris, ngunit iniwanan dahil kay Helen