o•kul•tís•mo : pani-niwala sa pag-iral ng kapangyarihang mahiwaga at supernatural, na maa-aring mabatid o maipamalas ng isang tao
o•ku•pá 1: tumirá o tumahan sa isang pook 2: punuán o sakupin ang isang espasyo, panahon, pag-iisip, at iba pa 3: angkinin o ariin ang isang pook
o•ku•pá•do 1: may tao na gumagamit o nagmamay-ari; may nakatirá 2: sinakop o inangkin ang isang pook 3: napunuan na 4: abalá1
o•ku•pán•te 1: tao na umookupa o tumítirá sa isang bahay o pook 2: na-nunungkulan; ang nása tungkulin 3: tao na may aktuwal na pag-aari, tulad ng lupa 4: tao na naunang nag-ari ng isang ba-gay
o•ku•pas•yón 1: hánapbuhay2 2: pag-tirá o pagtahan sa isang pook 3: pananákop 4: kaabalahan sa trabaho o gawain
-ol (ol) : pambuo ng panggalan na nangangahulugang organikong compound, lalo na ang mga alkohol, phenol, at mga langis, hal benzol, methanol
ó•la 1: paghingi nang umiiyak katulad ng batàng pinalaki sa layaw 2: pagbibigay ng lubos na layaw sa katawan 3: paglipat ng tani-man o tirahan, o pagpapalit sa isang bagay ng iba 4: panganga-ilangang hinihingi sa pamamagitan ng lamyos, lambing, kung hindi man sa pamamagitan ng pagpapakítang lugod 5: kataga ng pagbatì sa pag-kikíta ng magkakilála 6: álon