pa•nab•yá•ban : bao ng niyog na ginawang tasa, na mas maliit kaysa lumbo at mas malaki kaysa hu-ngot.
pa•na•gál 1: paglalayag sa dagat nang salungat sa hangin 2: inaasahang mga hirap o problema sa isasakatuparang gawain.
pa•na•gá•no 1: aspekto ng pandiwa na ipinahihi-watig kung ipinalalagay ng tagapag-salita ang isang pahayag bílang isang katotohanan, utos, posibilidad, at iba pa 2: malasákit sa isang ga-wain o paglilingkod 3: pag-aalay o pagpapaubaya ng kapalaran sa Diyos.
pa•na•gá•nong pa•u•tós : pan-diwang nása anyong ginagamit sa paghingi, pagsuyo, pakiusap, at katu-lad, hal “Maglinis ka,” “Turuan mo ako”
pa•na•gá•nong pa•wa•tás : pana-gano ng pandiwang binubuo ng pan-laping makapandiwa at ng salitâng-ugat, hal umíbig, basáhin