pa•na•na•la•mín 1: kilos ng pagtingin sa sarili sa harap ng isang salamin, gaya sa kung nag-bibihis o inaayos ang sarili 2: pag-gamit o pagsusuot ng salamin sa matá.
pa•na•na•la•pî 1: pamamahala sa malakíng halaga ng salapi, lalo na sa pamamagitan ng pamahalaan, gaya sa gawain ng Kagawaran ng Pananalapi 2: salapi para itustos sa isang proyekto 3: ang mga pintungan at gawain kaugnay ng salapi ng isang bansa, kapisanan, o tao
pa•na•nam•láy 1: pagkawala ng gana o interes 2: pakiramdam na mahinà ang kata-wan 3: paghina ng benta.
pa•na•nam•pa•la•tá•ya 1: matibay na pani-niwala sa Diyos o sa mga doktrinang pinaniniwalaan ng isang relihiyon batay sa espiritwal na pang-unawa sa halip na katibayan 2: sistema ng paniniwalang panrelihi-yon 3: isang taimtim na pani-niwala sa teorya
pa•na•ná•ngan 1: kilos ng paghawak ng mahigpit upang hindi mahulog o madulas 2: pag-asa sa tulong o kapangyarihan ng isang bagay o tao bílang batayan ng pahayag o kilos 3: paninindigan1-2.