pan•láng•hap : aparato para sa pagsinghot ng si-ngaw na panggamot, karaniwang para umibís ang bará sa ilong o ang hika
pan•la•pì : titik o mga titik na ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan ng salita upang magkaroon ng bagong kahulugan
pan•la•rô 1: anumang ginagamit ng isang manlalaro, gaya ng unipormeng panlaro 2: salapi na nakalaan para sa pagsusugal.
pan•le•ég : lubid na ipinantatalì sa magkabilâng dulo ng pamatok at dumadaan sa ilalim ng leeg ng kalabaw.
pan•le•ég 1: tumutu-koy sa anumang ginagamit para sa leeg, gaya ng kolyár 2: tumutukoy sa materyales para gawin ang leeg ng isang bagay, hal damit panleeg.
pan•let•són 1: kasangkapan para sa pagleletson 2: salapi para sa pagbili ng baboy na leletsunin 3: masakít na biro o puna sa isang tao.
pan•li•báng 1: anumang ginagamit para maaliw o masiyahan ang iba 2: anumang ginagamit para linlangin o iligaw ang iba.
pan•li•kód 1: nauu-kol sa anumang ginagamit o ipinan-tatakip sa likod 2: nauukol sa mga materyales na ginagamit sa paggawâ ng likod ng isang bahay, hal panlikod na pader.
pan•li•lí•gaw : pagdalaw, pagkausap, pagbibigay ng regalo, at iba pa upang ipahayag ang pag-ibig sa isang babae