pan•sít kan•tón : pansit na dilaw ang hibla, iginigisa sa toyo, at sinasangkapan ng iba pang pampa-lasa
pan•sít lug•lóg : pansit na hinahaluan ng malapot na sarsa na sari-sari ang sangkap pampalasa, inilulubog lámang sa tubig ang sotanghon at hindi lúto sa mantika.
pan•sít má•mi : pansit na karaniwang may sabaw at sinasa-hugan ng hinimay na karne ng báka, baboy, manok, at iba pang pampa-lasa.
pan•sít pa•lá•bok : pansit na walang sabaw, maaaring mataba o payat ang hibla, at hinaluan ng pala-bok.
pan•sít-pan•sí•tan : yerba (Peperomia pellucida) na may mga sangang makatas, lungti, at malamán, salítan ang dahon, at ginagamit bílang palamuti o gamot, katutubò sa tro-pikong Amerika ngunit lumaganap sa Filipinas na parang damo sa mga bukirin.
pan•suk•lî : tumutu-koy sa barya o maliit na denominas-yon na nakalaan para sa pagpapalit ng salaping may malaking denomi-nasyon
pan•sun•dô : sasak-yan na ginagamit para sa paghahatid ng mga estudyante o mangggawa mula sa isang pook
pan•sung•kít : isang mahabàng piraso ng kawayan o tikin na may kawit sa pang-itaas na dulo at ginagamit sa pagkuha ng bungangkahoy mula sa matataas na sanga