pag•da•lí•say 1: pag-aalis ng dumi sa likido sa pama-magitan ng pagpapakulo 2: paggawâ ng alak sa pamamagitan ng pagpapakulo at pagpapasingaw
pag•dib•díb 1: kilos o paraan ng puspusang pagtatrabaho 2: pagsamâ-ng-loob o pagkakaroon ng hinanakit.
pag•di•di•ín 1: kilos o paraan ng pagpatong sa isang bagay 2: pagbibigay ng bigat sa salita o pangungusap 3: pagdaragdag ng patunay.
pag•di•wa•tà : ritwal bílang pagdiriwang sa masaganang ani, kasal, at iba pang magandang pang-yayari.
pag•du•du•gô 1: paglabas ng dugô mula sa sugat o ilong kung may balinguyngoy 2: malakas o marami-hang paglabas ng dugô mula sa putól na ugat 3: katulad ng mala-king pinsala dahil sa pagkawala ng mahalagang tao o puhunan