pag•pí•san 1: písan1 2: pagsasáma ng isang mag-asawa; pagsáma ng isang babae sa kaniyang kaapid o bise bersa 3: pagsasáma-sáma ng mga bagay sa isang pook o sisidlan.
pag•sa•bí•han 1: bigyan ng paalala o payo para mag-ingat 2: big-yan ng pangaral dahil sa pagkaka-mali
pag•sa•hí•ngin : malakíng pu-nongkahoy (Canarium esperum) na 30 m ang taas, may mga dahong pabilog at nakahanay sa magkabilâng gilid ng tangkay, may bulaklak na lungtiang putî at mabalahibo, katu-tubò sa Filipinas
pag•sá•kop : gawaing militar at pam-politika para ipailalim ang isa o mahigit pang lupain, bansa, o estado