pul•bós 1: substance na pino, karaniwang putî, mabango, nakasilid sa kahitilya o láta, at gina-gamit na pampahid sa mukha 2: anumang bagay na durog, at kahawig ng alikabok 3: isang uri ng halámang ahenho.
pul•bu•rá : pulbos, karaniwang itim, madalîng magsiklab sa apoy, at ginagamit sa paggawâ ng bála, posporo, paputok, at katulad
pul•gás : kulisap (Pulex irritans) na parasitiko, maliksi, walang pakpak, at karaniwang naki-kíta sa áso, pusa, at iba pang hayop
pu•lí•kat 1: bigla at hindi sinasadyang pag-urong at paninigas ng lamán sa binti o anumang bahagi ng katawan at nagdudulot ng matinding kirot 2: pagbago sa mga bagay na napaglipasan 3: pagtatanong hábang naghahanap.