pú•nay 1: ilahas na kalapati (genus Treron) na lungti ang balahibo 2: uri ng ilahas na kalapati (genus Ptilinopus) na higit na madilim ang kulay berdeng bala-hibo
punch (pants) 1: kasangka-pang pantatak o pambutas 2: inu-ming gaya ng rum, whisky, at iba pa, hinahaluan ng tubig, katas, at iba pang pampalasa 3: suntok.
punch card (pants kard) : kard na may mga bútas o tiyak na mga posisyon at padron, upang maipakíta ang datos na ilalagay o gagawin sa paraang mekanikal o elektrikal.
pún•da•men•tál 1: ang gumaganap na pangu-nahing bahagi ng anuman 2: batayan o saligan ng isang pundasyon 3: orihinal o bu-kal ng isang saliksik o sulatín
pún•da•men•ta•lís•mo : maigting na paninin-digan sa isang tradisyonal na panini-wala o doktrina ng isang relihiyon
pun•das•yón 1: batayan 2: a lupang pinagsasalalayan ng gusali o anumang estruktura b ang pinakaiba-bâng bahagi ng isang gusali o pader 3: institusyon o samahán, lalo na ang nagkakaloob ng pantustos na tulong para sa salik-sik, pag-aaral, o malikhaing gawain
pun•dí 1: hindi sumisindi, gaya ng bombilya o katulad na ilaw 2: sa metal o bakal, mula sa tinunaw na batong mineral 3: hulmado, karani-wang ginagawâ sa bakal