púr•da 1: pagbu-bukod ng babae upang hindi makíta ng mga laláki at banyaga, ginagawâ sa ilang lipunang Muslim at Hindu 2: tábing o telang ginagamit sa ga-noong gawain.
puree (pyu•réy, pyú•ri) 1: madulas at makremang substance mula sa kinatas o dinurog na prutas o gulay 2: sabaw na niluto sa ganito.
pure science (pyur sá•yans) : agham na teoretiko o abstrakto, gaya ng matematika, at pinag-aaralan nang walang praktikal na aplikasyon.
pur•gá 1: gamot na pampatae, lalo ng isang hindi natunawan ng pagkain 2: pag-inom nitó 3: pagpapatalsik sa mga tao na hindi kanais nais mula sa samahán, lapian, o katulad, lalo sa pamamagitan ng dahas
púr•ga•tór•yo : doktrinang Katoliko Romano, pansa-mantalang kalagayan o pook para sa paglilinis ng kaluluwa sa pamama-gitan ng pagpurga sa mga kasalanang pinagsisihan at pinatawad na ngunit hindi pa pinagdusahan nang sapat
pú•ri 1: dangál1,2 2: karaniwang pambabae, katangian ng walang karanasang seksuwal o ma-laya ang isip sa anumang pagnana-sàng seksuwal 3: pagpapahayag ng paghanga, paggá-lang, o lubos na pagsang-ayon
purine (pyu•rín) : com-pound (C5H4N4) na kristalina, putî, at mula sa mga pangkat ng uric acid, xanthine, at caffeine.