pu•sò 1: tumitibok na organ, hungkag, at malamán, at nagpapadaloy ng dugo sa buong katawan 2: ang kabuuang personali-dad, lalo kung hinggil sa damdamin at pag-uugali 3: halaman o baha-gi ng halaman na hugis puso gaya ng puso ng mais, puso ng letsugas 4: pantawag din sa gitna o kalagitnaan.
pu•sód 1: buhok na tinipong pai-kid o patumpok sa likod o ibabaw ng ulo 2: bahagi ng kasangkapang pambutas, gaya sa barena 3: talim ng tunod.
pú•sod 1: tíla butas sa gitna ng rabaw ng tiyan na nagpapahiwatig ng pinagdugtu-ngan ng fetus at ng umbilical cord 2: kailaliman, gaya sa púsod ng dagat.
pu•sók 1: pagkilos o paggawâ ng isang bagay nang hindi muna pinag-iisipan 2: pagkilos nang marahas at mabilis
pú•sok 1: apoy na mahirap patayin 2: sa sinaunang lipunang Bisaya, pagtatanim sa buong bukid ng iisang uri ng pananim o iisang uri ng punò.
pu•sòng-lu•táng : halámang tubig, bilóg at hugis puso ang dahon na may mahabàng tangkay, putî ang bulaklak ngunit dilaw ang punò, bilóg at tíla kapsula ang bunga na may 10-20 butó, at matatagpuan sa mababaw na lawa, sapa, at palayan.