pa•bi•nì : parirala, taludtod, o mga taludtod na ulit-ulit binibigkas o inaawit sa loob ng isang awit o tula
pa•bí•tin 1: mga laruan, kendi, at iba pang papremyo na isinasabit sa isang balag na nakabitin 2: laro na pag-aagawan ng papremyo sa balag na itinataas at ibinababâ
pa•bi•yáy 1: húling isda na hinahayaan munang mabúhay sa tubig, maaaring sa loob ng isang lambat o sisidlan 2: akwaryum.
páb•li•sér : tao na tagapaglathala o kompanya na guma-gawâ at namamahagi ng mga kopya ng aklat, pahayagan, at katulad upang ipagbili sa publiko
pa•bór 1: anumang pagpapakíta ng pagkagusto o pag-tanggap 2: tulong na ibinibigay bílang patunay ng pagsang-ayon 3: isang mabuting gawain na lagpas sa karaniwan at kailangan
pa•bo•rí•to : tao, bagay, o anumang itinatangi o kina-gigiliwan nang higit kaysa iba, pa•bo•rí•ta kung babae
páb•ri•ká 1: gusali na may planta o mga gamit sa pro-duksiyon 2: pook para sa maramihang paggawâ ng isang produkto