pa•má•go 1: kauna-unahang bunga sa panahon ng anihán ng palay 2: kauna-unahang paggamit sa isang bagay na bagong bago.
pa•ma•há•gi 1: pamilang na ginagamit upang mai-larawan ang isang bagay na hinahati o binabahagi, nilalapian ng ika- at ka-, na mulâ rin sa ika-, hal ikalima, ikawalo, kalahati, kagitna 2: pang-uring pamahagi.
pá•ma•ha•la•án 1: ang buong makinarya ng pangangasiwa o pamamahala sa isang bansa o estado 2: sistema ng pamamahala, hal demokratikong pamahalaan, sosyalistang pamahalaan
pa•má•hid 1: piraso ng basahan, napkin, panyo, o bagay na absorbente na ginagamit na pam-punas 2: anumang ginagamit para sa pagmasahe ng katawan gaya ng langis o alkohol 3: anumang ginaga-mit sa paglalagay ng pintura, langis, barnis, at katulad.
pa•ma•hì•in 1: paniniwala o pagkukuro na , hindi nakabatay sa katwiran o kaalaman 2: sistema o kalipunan ng gayong paniniwala 3: kaugalian o kilos na nakabatay sa gayong paniniwala 4: hindi makatwi-rang pangamba sa hindi alam at mahiwaga kaugnay ng relihiyon
pa•ma•hí•ran 1: basahan para sa pagpapahid ng sapatos o paa bago pumasok ng pintuan 2: tela na gina-gamit para sa pagpapahid ng kamay