pas•yón : anyo ng saknong na may limang taludtod, sukat na wawaluhin, tugmang isahan, at ginamit sa popular na bersiyon ng Pasyon.
Pas•yón 1: aklat ng kasaysayan ng mga paghihirap ni Hesukristo, karaniwang binabása nang pakanta kung Kuwaresma o Mahal na Araw 2: ang kasaysayang ito.
pas•yo•nár•yo : baging (Passi-flora edulis) na malapad ang dahon at may bungang kahawig ng kundol ngunit maliit kaysa rito, katutubò sa Brazil
pas•yo•nár•yong ma•ba•hò : baging (Passiflora foetida) na tíla halámang damo, habilog , na tulís ang dahon, mapintog ang bunga, at may napaka-sangsang na amoy, katutubò sa tropi-kong Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol