pró•pa•gán•da 1: lawas ng mga doktrina, idea, at aktitud na sadyang pinalalaganap upang makatulong o makasamâ sa isang tao, pangkat, estado, at iba pa 2: ang sistematikong pagpapalaganap ng mga ito.
propagate (pró•pa•géyt) 1: a paramihin ang mga ispesimen ng haláman, hayop, at katulad sa pama-magitan ng likás na proseso b sa ha-yop o haláman, paramihin ang sarili 2: palaganapin, gaya sa pahayag, panimula, teorya, o katulad 3: ipása o ipamana, hal ang katangian mulang isang henerasyon túngo sa mga susu-nod 4: magpasalin-salin ang katangi-an sa mga henerasyon.
propellant (pro•pé•lant) 1: bagay na nagtutulak 2: isang inert at siksik na likidong hiwa-hiwalay ang aktibong nilalamán ng aerosol 3: pa-putok na naglalabas ng mga bála mula sa isang armas 4: substance na ginagamit bílang reagent sa mákiná ng rocket at iba pa upang magkaloob ng puwersa.
propeller shaft (pro•pé•ler shaft) : ehe na nagsasalin ng lakas mu-la sa mákiná patúngo sa elise o mani-bela ng sasakyan.
pro•pe•sór 1: guro na may pinakamataas na ranggong akademiko sa kolehiyo o unibersidad, karaniwang sa isang tanging sangay ng karunungan 2: sa malaking titik, titulo ng nasabing guro
pro•pes•yón 1: bokasyon na nangangailangan ng espesyal na edukasyon at pagsasánay, gaya sa batas o medisina 2: anumang bokasyon o negosyo 3: pagpapaha-yag ng paniniwala, pagtanggap, o pananampalataya sa relihiyon