pro•pés•yo•nál 1: tao na kabílang sa isang propes-yon, lalo na ang aktibo rito 2: tao na hanapbúhay ang aktibong paglahok sa isang tiyak na gawain, gaya sa basketbol, boksing, at iba pang isport
pro•pé•ta : tao na itinuturing na biniyayaan ng pambi-hirang katangian upang magturo, magsiwalat ng kalooban ng mga bathala, at manghulà ng magaganap sa hinaharap
prophylaxis (pro•fi•lák•sis) 1: pag-iwas sa sakít 2: paghad-lang o pagpigil sa isang tiyak na sakít, gaya ng pag-aaral sa biyolohikong gawi, transmisyon, at iba pang nagi-ging sanhi nitó.
propionic acid (pro•pi•yó•nik á•sid) : walang kulay at mata-pang na likidong carboxylic acid (C2H5COOH), ginagamit upang hindi amagin ang tinapay.
pro•pó•nent 1: tao na taga-pagtaguyod ng teorya, pagkilos, o panukala 2: tao na nagmumung-kahing pagtibayin ng hukuman ang isang testamento.
pro•pór•si•yón 1: kaugnayan ng mga bagay sa isa’t isa hinggil sa laki o dami 2: wastong kaugnayan ng mga bagay o bahagi 3: pahayag na binubuo ng simuno at panaguri na kinakailangang patotohanan o pawalang saysay.
pro•po•sis•yón 1: pahayag o apirmasyon ng isang pasiya o paninindigan 2: pahayag na nagsasaad na ang isang konsepto ay maaaring totoo o mali 3: pormal na pahayag ng isang teorema o proble-ma na kailangang patunayan o lutasin 4: mungkahing paraan o plano ng pagkilos, karani-wan sa isang negosyo