- rad•yo•te•lé•po•nópng | [ Esp radio-telefono ]:teleponong dinadaluyan ng tunog o pananalita sa pamamagitan ng along-radyo sa halip na sa pama-magitan ng mga kable o kawad
- ra•ébpng | Psd | [ Ilk ]:lambat na malakí kaysa tabukol, bilóg, at lumulubog nang ganap kapag inihagis sa tubig
- ráf•terpng | Kar | [ Ing ]:kilo2; tahilan1
- rá•gapng | Mus | [ San ]1:padron ng mga notang ginagamit na batayan ng im-probisasyon2:isa sa mga pormu-lang panghimig sa musika ng mga Hindu na may himig, melodiya, at ornamentasyong itinatakda ng tra-disyon
- ra•gáwpng | [ Ilk ]:bawasan ang mga dahon o bulaklak upang gumanda ang tubò ng punò
- ra•gáypng | Mus | [ ST ]:tunog na marub-dob at mabilis gaya ng tunog ng tambol
- ragga (rá•ga)png | Mus | [ Ing ]:estilo ng musikang popular na pinaghahalo ang mga elemento ng reggae at ng hiphop
- ragout (ra•gú)png | [ Fre ]:putahe ng karneng hiniwa nang maliliit, inilaga nang may kasámang gulay at maraming pampalasa
- ragtime (rág•taym)png | Mus | [ Ing ]1:estilo ng sinaunang musikang popu-lar na pinasíkat ng mga musikerong Amerikanong Itim noong 1890 at ka-raniwang tinutugtog sa piyano2:rit-mo na may bílang na 2/4 ang saliw at may palagiang synchopation ang himig